^

Probinsiya

Misis pinatay ng asawa dahil hindi sumunod sa utos

-
AGLIPAY, Quirino – Dahil sa matinding sakit ng ngipin, isang magsasaka ang kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal makaraang pagtatagain nito hanggang sa mapatay ang sariling asawa sa loob ng kanilang bahay sa bayang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Idineklarang patay sa Quirino General Hospital ang biktimang si Betty Ambojnon, 49, samantala, ang suspek na ngayon ay kinasuhan na ng parricide sa provincial prosecutor’s office ay kinilalang si Joaquin Ambojnon, 52, na kapwa residente ng Cabarroquis ng naturang lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya, inutusan umano ng suspek ang kanyang asawang si Betty na bumili ng gamot para sa sakit ng ngipin o kaya humingi muna sa kanilang kapitbahay dahil sa tumitindi na ang sakit nito sa ngipin.

Subalit imbes na sumunod sa utos ng suspek ay nangatwiran pa ang biktima na maraming gawain sa bahay kapag umaga. (Ulat ni Charlie Lagasca)

BETTY AMBOJNON

CABARROQUIS

CHARLIE LAGASCA

DAHIL

IDINEKLARANG

JOAQUIN AMBOJNON

NABATID

QUIRINO

QUIRINO GENERAL HOSPITAL

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with