Lider ng NPA todas sa sagupaan
October 2, 2001 | 12:00am
DINGGALAN, Aurora Isang lider ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nasawi habang isa pang military asset ang malubhang nasugatan makaraang magsagupa ang mga elemento ng pulisya at grupo ng rebelde sa harapan ng simbahan noong nakaraang Sept. 27 sa Brgy. Aplaya ng bayang ito.
Ang nasawing rebelde ay nakilala lamang sa alyas na Ka Richard, isa sa miyembro ng liquidation squad ng NPA, samantala, ang malubhang nasugatang asset ng militar ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan dahil na rin sa kanyang seguridad.
Sa isinumiteng ulat kay Gen. Ernesto Carolina, commanding officer ng 7th Infantry Division ng Phil. Army na nakabase sa Fort Magsaysay, Palayan City, nakasagupa nina Sgt. Resty de Castro, Sgt. Renato Valdez, SPO1 Roseby Ramos at PO1 Marcelo Hernando ang grupo ni Ka Richard kaya kaagad na nagpalitan ng putukan ang magkabilang panig na ikinasawi naman ni Ka Richard. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest