^

Probinsiya

Pulis tinodas sa pagbaba ng bus

-
Naging mitsa ng buhay ng isang pulis ang ginawa nitong panunutok ng baril sa loob ng isang pampasaherong bus matapos itong pagbabarilin ng nairitang lalaki habang bumababa sa behikulo sa kahabaan ng National Highway ng Gapan, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang kinilalang si PO3 Rolando Padilla ng Gapan Police Station matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-11:30 ng gabi habang pababa ang biktima sa sinasakyan nitong Victory Liner Bus na may body number 1565 at may plakang CWW 711 sa nasabing lugar nang ito ay pagbabarilin.

Base sa report ng Police Regional Office (PRO) 3 sa Camp Crame ang biktima ay sumakay sa nasabing bus sa Bucanan, Gapan City ng biruin umano ito ng suspek ng ‘‘Sir Baka Kayo Lumagpas.’’

Nairita umano ang biktima at binunot ang kanyang cal. 38 revolver pistol at itinutok sa suspek sabay sabing ‘‘Bastos ka ah, di mo ba alam na pulis ako.’’

Di na umano nakapagsalita ang suspek matapos mapahiya kung saan pagsapit sa Brgy. Sto. Cristo sa bayan ng Gapan City habang pababa na ang biktima ay bigla nitong binunot ang kanyang 9MM pistol at pinagbabaril ang pulis na duguang napalugmok sa dami ng tama ng balang tinamo nito.

Dali-dali namang bumaba ang suspek na pinaghihinalaang isa ding pulis at mabilis ding tumakas patungo sa di pa malamang direksyon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 13 basyo ng bala ng 9 MM pistol na siyang ginamit ng salarin. (Ulat nina Joy Cantos at Christian Ryan Sta. Ana)

CAMP CRAME

CHRISTIAN RYAN STA

GAPAN CITY

GAPAN POLICE STATION

JOY CANTOS

NATIONAL HIGHWAY

NUEVA ECIJA

POLICE REGIONAL OFFICE

ROLANDO PADILLA

SIR BAKA KAYO LUMAGPAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with