^

Probinsiya

Bungangerang misis, tinodas ni mister

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang bungangerang misis ang iniulat na binaril at napatay ng kanyang sariling mister makaraang hindi makayanan ng huli ang ginagawang pagtatalak ng una kamakalawa ng hapon sa kanilang bahay sa Sitio Sapang Lamig, Brgy. Minuyan, Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elma Magbalot, 32. Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Joey Magbalot, 35, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa ulat ni P/Supt. Rolando Macusi, hepe ng pulisya ng bayang ito, naganap ang krimen bandang alas-5:45 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawa sa naturang lugar.

Lumalabas sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga kapitbahay ng mag-asawa na malimit mag-away ang dalawa sa hindi mabatid na dahilan.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa pambababae ng suspek ang motibo ng krimen o kaya’y problemang pananalapi ang ugat ng pangyayari. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BRGY

BULACAN

EFREN ALCANTARA

ELMA MAGBALOT

JOEY MAGBALOT

MONTE CITY

ROLANDO MACUSI

SAN JOSE

SAPANG PALAY

SITIO SAPANG LAMIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with