^

Probinsiya

Empleyada nanlaban sa 2 rapist tinodas

-
IMUS, Cavite – Upang hindi maisagawa ang maitim na balak ng dalawang hindi kilalang lalaki sa isang 24-anyos na dalaga ang iniulat na pinatay makaraang manlaban ang biktima sa 2 rapists kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pasong Buwaya 2 ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Susana Esguerra, empleyada ng EMI Yazaki na matatagpuan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Anabu at residente ng nabanggit na lugar.

Natagpuan ng pulisya ang bangkay ng biktima dakong alas-11 ng umaga na nakalutang sa ilog ng nabanggit na barangay.

May palatandaan na nanlaban ang biktima sa mga rapist dahil sa bukas ang siper ng pantalon nito, basag ang mukha at maraming galos sa iba’t ibang katawan.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nagpaalam sa ina na papasok na sa trabaho subalit hindi na ito nakauwi pa.

May palagay ang pulisya na inabangan at pinaunlakan ng biktima ang paanyaya ng mga suspek dahil sa kakilala.

Subalit lingid sa kaalaman nito ay may balak na masama at ng hindi makuha ang pagkadalaga ng biktima ay tinuluyan na itong patayin.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ANABU

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

KINILALA

NATAGPUAN

PASONG BUWAYA

SUSANA ESGUERRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with