^

Probinsiya

4 anak hinalay ng ama

-
ANTIPOLO CITY — Sumobra sa pagkahilig sa laman ang isang 45-anyos na ama na hindi nakuntento sa kanyang asawa ay winasak pa ang puri ng kanyang apat na anak sa loob ng kanilang bahay, sa lungsod na ito.

Inaresto ng pulisya bunsod ng reklamo ng kanyang panganay na anak dakong alas-11 ng umaga kahapon ang suspek na si Marcelo Prando, obrero, at residente ng Block 9 Lot 69 Phase 1, Brgy. San Isidro.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa Antipolo PNP ang panganay na anak ng suspek na si Digna (di-tunay na pangalan), 18, matapos na bugbugin bago siya gahasain ng ama kamakalawa ng gabi.

Nagkalakas-loob umano siyang magsuplong sa awtoridad nang magsabi siya sa kanyang mga nakakabatang kapatid na may edad 16, 14 at 12 na pawang nagtapat sa kanya na sila man ay ginagahasa rin ng ama tuwing wala ang kanilang ina.

Hindi umano sila makapagtapat sa kanilang ina dahil sa pananakot ng ama na papatayin silang lahat kapag ginawa nila ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMA

BRGY

DANILO GARCIA

DIGNA

INARESTO

MARCELO PRANDO

NAGKALAKAS

SAN ISIDRO

SUMOBRA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with