5 mangingisda inaresto sa paggamit ng dinamita
September 8, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Limang mga mangingisda na lulan ng isang malaking bangka ang iniulat na dinakip ng pinagsanib na elemento ng Bulacan PNP at ng Maritime Police habang nasa aktong nanghuhuli ng mga isda na gamit ay dinamita sa may isa at kalahating kilometrong layo ng dalampasigan sa may bahagi ng Barangay Pamarawan, Malolos sa naturang lalawigan, kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na tinanggap ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, ang mga inaresto at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa P.D. 1866 (Philippine Fisheries Code of 1998) o Illegal Possession of Explosive ay nakilalang sina Arturo Paguio, 27, may-asawa, piloto at may-ari ng nasabing bangka na may pangalang Prince Junior; Alberto Alcala, 19, binata, boat engineer; ang tatlong tripulante na sina Elmo Manuel, 20, binata; Ramil Reyes, 23, may-asawa at Jonathan Canete, 19, binata, ay pawang mga residente ng Riverside St., Barangay Lamao, Limay, lalawigan ng Bataan.
Nabatid sa ulat ng pulisya na kasalukuyang nagpapatrulya ang Bantay-Dagat Patrol bandang alas-9:30 ng umaga sa nasabing lugar nang matanawan ng mga ito ang mga tripulante ng nabanggit na bangka na nasa kahina-hinalang mga kilos.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa loob ng naturang bangka ang may 12 bote (750 ML size) na may mga lamang pulbura at may nakakabit na blasting cap, illegal fishing gear at equipment at 20 kilo ng ibat ibang mga klase ng isda na pinaniniwalaang nahuli sa paggamit ng mga nabanggit na explosives. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended