^

Probinsiya

Ex-mayor dinukot at pinatay ng NPA

-
Brutal na pinaslang ang isang ex-mayor ilang oras matapos itong dukutin ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Davao del Norte kamakalawa.

Ang bangkay ng biktimang kinilalang si Talaingod ex-mayor Jose Libayao ay natagpuang nakabulagta at nakahambalang sa gitna ng kalsada sa Brgy. Sto. Niño, Talaingod ng nasabing lalawigan.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan maliban sa pangingitim ng ilang bahagi ng katawan nito na isang indikasyon na tinorture muna ito bago tuluyang pinatay ng mga rebelde.

Batay sa ulat na natanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, dakong alas-2:30 ng hapon habang ang biktima at ilang residente ng Sitio Cabadiangan sa Brgy. Sto. Niño ay nakikipagpulong sa mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Asian Development Bank at ng mga lokal na opisyal ng Talaingod nang maganap ang insidente.

Napag-alaman na ang naturang mga lokal na opisyal ay nagsasagawa ng pag-iinspeksiyon at pakikipagdiyalogo sa mga katutubong naninirahan sa bulubunduking mga lugar sa bayan ng Talaingod nang biglang sumulpot ang mga armadong rebelde.

Ang mga rebelde ay pinamumunuan ni Commander Benjack, ang grupo ng mga rebeldeng NPA na nag-ooperate sa nasabing lalawigan.

Kaagad umanong tinutukan ng mga rebelde ng baril ang biktima habang pinaligiran ang mga nagsisipagpulong dito. Ang biktima ay tinangay ng mga rebelde sa kanilang pagtakas patungo sa masukal na kakahuyan.

Makalipas lamang ang kulang-kulang isang oras ay natagpuang bangkay ang biktima na inabandona sa gitna ng kalsada ng mga nagsitakas na rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BRGY

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

COMMANDER BENJACK

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JOSE LIBAYAO

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

TALAINGOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with