Pulis todas sa salpok ng FX
August 28, 2001 | 12:00am
TACLOBAN CITY Isang kagawad ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ang sinasakyang motorsiklo ng Tamaraw FX sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Telegrafo, Tolosa, Leyte.
Kinilala ni Insp. Alijo Bendanillo, hepe ng Tolosa PNP ang biktima na si SPO2 Eduardo Cajano ng Brgy. Doña Brigada ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa PNP detention cell ay kinilalang si Manuel Sanguenza ng nabanggit ding lugar.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-12:30 ng hapon habang ang minamanehong sasakyan ng suspek ay patungong Dulag, Leyte. (Ulat ni Melchor Caspe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am