Alok na tulong ng MILF sa 5 kinidnap, ibinasura ng AFP
August 17, 2001 | 12:00am
Mariing tinanggihan kahapon ng Armed Forces of the Philippines ang alok ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumulong sa pagliligtas sa apat na Chinese at isang Filipino-Chinese na kinidnap ng isang big time kidnap-for-ransom group sa Mindanao.
Una rito, inalok ng tulong ni MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzall Jaafar ang pamahalaan para tumulong ang kaniyang mga tauhan sa pagliligtas sa kamay ng grupo ni Commander Tahir Alonto ng MILF Lost Command sa mga kinidnap.
Base sa ulat, unang dinukot si Zhang Zhung Quiang, Engineer at Operations Manager ng China Import and Export Technologies ng grupo ni Alonto nitong nakalipas na Hunyo sa Carmen, North Cotabato.
Kasalukuyan namang dala ang P5M ransom upang ipantubos sa dinukot na si Quiang ang kapatid nitong si Zhang Zhing Yi at mga kasamahang sina Wang Shu Li, Xue Xing at ang Filipino-Chinese Edwin Lim ng kidnapin din ng grupo ni Commander Alonto sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Agosto 12.
Sinabi ni Villanueva na patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng mga operatiba ng militar upang mailigtas si Quiang at apat pang panibagong biktima ng kidnap for ransom na nagtungo sa Maguindanao na di man lang nakipagkoordinasyon sa mga awtoridad.
Binigyang diin pa ni Villanueva na hindi dapat magbayad ng ransom sa grupo ng mga kidnappers dahilan sa hindi matitigil ang paggawa ng mga ito ng pangingidnap. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended