Sasakyan ng mga kidnappers sumalpok sa pader, trader nasagip
August 15, 2001 | 12:00am
Nailigtas ng mga awtoridad matapos ang ilang oras na habulan ang isang negosyanteng ginang sa grupo ng mga kidnapper matapos sumalpok ang sasakyan ng mga ito sa isang pader sa Roxas, Isabela kamakalawa.
Ang nailigtas na kidnap victim ay si Editha Chua, 56, ng Udac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Dinala ang biktima sa Cagayan Valley Medical Center para lapatan ng lunas bunga ng sugat na tinamo nang bumangga ang get away vehicle ng mga kidnappers sa pader at pagkatapos ay inabandona ang biktima at tuluyan ng tumakas ang mga suspek.
Sa ulat, na dakong alas-11 ng umaga ay nakaposte di kalayuan sa bahay ng biktima ang mga suspek at nang makita ang kanilang pakay na papasok sa bahay ay agad nila itong dinakma .
Sumaklolo ang asawa ng biktima na si Vicente, subalit nairita ang mga suspek kaya ito ay ginulpi bago tuluyang naisakay ang misis nito sa Toyota Corolla.
Piniringan ng mga kidnappers ang biktima at inilipat sa kanilang get away vehicle na isang Mitsubishi Adventure (WSX-299) na tumahak patungo sa direksiyon ng Tuguegarao-Santiago highway.
Natanggap ng mga awtoridad ang naganap na pangingidnap sa negosyante kaya agad na itinayo ang mga checkpoints sa mga kalsadang posibleng daanan ng mga kidnappers.
Habang papadaan sa checkpoints ay naispatan ng awtoridad ang sasakyan ng mga kidnappers. Subalit sa halip na tumigil ay humarurot ng takbo ang sasakyan at sinagasaan ang mga road blocks.
Hinabol ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek hanggang sa makarating sa bayan ng Mallig, pero bago sumapit sa Quirino-Roxas Road ay sumalpok sa pader ang sasakyan ng mga kidnappers. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest