Misis binoga ng adik, todas
August 14, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Isang 31-anyos na misis ang iniulat na nasawi makaraang aksidenteng pumutok ang sumpak ng isang adik sa mukha ng biktima, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cefradia, Malolos ng lalawigang ito.
Kinilala ni Bulacan PNP Provincial Director Sr. Supt. Edgardo Acuña ang biktima na si Adelaida Latawan ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Mark Anthony Lee, may sapat na gulang at walang permanenteng tirahan.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naglalakad pauwi ang biktima at ilang residente sa naturang lugar nang makasalubong ang suspek na may hawak na sumpak at pabirong itinutok sa mukha nito.
Dahil sa pagkalango sa droga ay aksidenteng nakalabit ng suspek ang sumpak kaya tinamaan sa mukha ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest