^

Probinsiya

Zamboanga flashfloods: 2 patay, 4 pa nawawala

-
Dalawa katao ang nasawi, apat na bata ang iniulat na tinangay ng malakas na agos habang umaabot naman sa mahigit 35,000 katao ang inilikas mula sa kanilang bahay sa pananalanta ng malawakang pagbaha sa Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte bunga ng "tropical depression", kamakalawa.

Gayunman, sa ulat kahapon ng National Disaster Coordinating Center (NDCC), hindi pa natukoy ang pangalan ng dalawang nasawing biktima at maging ng apat na batang nawawala na pinangangambahang patay na matapos tangayin ng malakas na agos.

Ang flashflood ay bunga ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan nitong mga nakalipas na araw matapos na umapaw ang Dipolog at Salug Diot Rivers.

Siyam na munisipalidad ang naapektuhan ng flashflood na kinabibilangan ng mga bayan ng Molave, Tambulig, Dumingag, Ramon Magsaysay, Salug Valley, Aurora at Kumalarang sa Zamboanga del Sur; Diplahan sa Zamboanga Sibugay at Sindangan sa Zamboanga del Norte.

Hindi na madaanan ang Mahayag at Dumingag matapos na bumagsak ang Mahayag bridge habang hirap pa ring daanan ang Pagadian City at Ozamis City.

May 50 pampasaherong bus ang stranded ngayon mula at patungo sa Buug, Zamboanga del Sur at Zamboanga City ang stranded sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

DUMINGAG

JOY CANTOS

MAHAYAG

NATIONAL DISASTER COORDINATING CENTER

NORTE

OZAMIS CITY

PAGADIAN CITY

RAMON MAGSAYSAY

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with