^

Probinsiya

Oil spill sa Teresa at Morong river

-
MORONG, Rizal – Multi-milyong halaga ng mga pananim ang pinangangambahang hindi na mapakikinabangan matapos na masalanta ang mga bukirin sa apat na barangay ng bayang ito ng may tumagas na langis mula sa isang pabrika ng semento sa karatig-bayan ng Teresa, Rizal.

Ayon kay Morong Mayor George Bernardo, nabatid na positibong nagmula ang tone-toneladang langis na tumagas sa Fortune Republic Cement sa Brgy. Dulong, Teresa, Rizal.

Dumiretso ang langis sa katabing-ilog at bukirin sa Barangay Bubungan, San Jose, San Juan at San Guillermo.

Bukod sa mga masasalantang pananim, nanganganib rin na malason ang mga isda sa Teresa-Morong river na dinaluyan ng naturang langis.

Sinabi ni Mayor Bernardo na pinaghahandaan na ng pamahalaang lokal ang pagsasampa ng kaukulang asunto laban sa Fortune Republic Cement.

Napag-alamang nagsasagawa na ng paglilinis ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard sa naturang ilog upang mapigilan ang pagkalat ng tumagas na langis. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY BUBUNGAN

DANILO GARCIA

FORTUNE REPUBLIC CEMENT

MAYOR BERNARDO

MORONG MAYOR GEORGE BERNARDO

PHILIPPINE COAST GUARD

RIZAL

SAN GUILLERMO

SAN JOSE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with