^

Probinsiya

Dalagita ni-rape/slay

-
POLILIO, Quezon – Hindi na magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng isang magandang dalagang Political Science graduate matapos na ito ay pagsamantalahan at patayin ng kanyang kapitbahay na wanted habang ang biktima ay naglalaba sa isang sapa sa Sitio Bigyan, Barangay Simbulan sa bayang ito, kamakalawa.

Ang biktima na may tama ng saksak sa leeg at apat sa likurang bahagi ay kinilalang si Olydren Soltura, 27, ilang buwan pa lamang graduate sa di-tinukoy na kolehiyo at residente ng Barangay Kalubakis, habang tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang pangunahing suspek na si Charles Bulalacao, 19, binata, wanted sa kasong theft na nakabinbin sa MCTC ng Polilio, Panukulan at kapitbahay ng biktima.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng umaga ay nagpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang upang maglaba ng damit sa sapa na di-kalayuan sa kanilang bahay.

Habang nasa kalakasan ng ulan ay dumating umano ang suspek na hubo’t hubad saka tinutukan ng patalim ang biktima at isinagawa ang maitim na balak.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang patalim na ginamit ng suspek sa pagpaslang sa dalaga. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY KALUBAKIS

BARANGAY SIMBULAN

BATAY

CHARLES BULALACAO

HABANG

NAREKOBER

OLYDREN SOLTURA

POLITICAL SCIENCE

SITIO BIGYAN

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with