10 suspect sa FEU hazing tugis
August 8, 2001 | 12:00am
CALAMBA, Laguna Sampung miyembro ng Sigma Mu fraternity na pawang mga anak mayaman at responsable sa pagkamatay ng isang medical student ng Far Eastern University noong Sabado ng hapon sa Brgy. Pansol ang kasalukuyang tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar.
Pansamantalang hindi ibinunyag ni P/Chief Insp. Conrado Masongsong, Calamba Chief Investigator ang pangalan ng mga suspek sa pagkamatay ni Rafael Albano, 20 upang hindi maantala ang isinasagawang dragnet operation.
Kaugnay nito, pinalaya naman ng mga awtoridad si Dr. Victorino Manhilan, senior adviser ng nabanggit na fraternity dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Magugunitang si Albano ng Miller St. Project 7, Q.C. ay isinailalim ng mga suspek sa initiation rites sa Ville Rosario resort sa Brgy. Pansol, Laguna noong Sabado dakong alas-5 ng hapon subalit sa hindi makayanang hirap sa hazing, ito ay bumigay na nagresulta upang isugod ni Manhilan sa Jose P. Rizal Memorial Hospital subalit idineklarang patay na ang biktima.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na hinihintay na lamang na lumutang ang ilang saksi na dadalhin ng kamag-anak ng biktima upang pormal na sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 11, 2026 - 12:00am