2 NPA rebels todas sa encounter
August 5, 2001 | 12:00am
Dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang napatay matapos na magkrus ng landas ang grupo ng mga rebeldeng komunista at ang tropa ng mga sundalo sa isang engkuwentro sa isang liblib na lugar sa Naujan, Oriental Mindoro kamakalawa.
Gayunman hindi pa nakilala ang napaslang na rebelde dahil walang makuhang anumang pagkakakilanlan sa bangakay ng mga ito.
Batay sa report,dakong alas- 12 ng tanghali nang magkasagupa ng magkasanib na elemento ng 2nd Scout Ranger Battalion (SRB) Banahaw sa ilalim ng pamumuno ni 1st Lt.Philip Paul Fortuno at ng Oriental Mindoro Provincial Police Office (PPO).
Napag-alaman na nagsasagawa ng blocking force ang mga operatiba ng pamahalaan sa may dalampasigan ng nasabing bayan nang makasagupa ang mga rebelde.
Tumagal ng ilang minuto ang pagpapalitan ng putok ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawang rebelde.
Mabilis na nagsitakas ang mga rebelde at iniwan ang napatay nilang kasamahan.
Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng pamahalaan at narekober sa pinangyarihan ang mga basyo ng bala ng cal.45, isang hand grenade at supersibong dokumento na may intelligence value ng kilusan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest