Region 4 naka-red alert laban sa NPA
August 3, 2001 | 12:00am
Isinailalim kahapon ng Police Regional Office (PRO) 4 base sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza sa "heightened alert" ang kanilang tanggapan laban sa New Peoples Army (NPA), matapos ang naganap na pag-atake ng mga rebeldeng komunista sa San Mateo landfill, kamakalawa.
Ang hakbang ay upang di na maulit pa ang marahas na pagsalakay ng mga rebelde kamakalawa ng umaga sa San Mateo landfill na may ilang kilometro lang ang layo sa pusod ng Metro Manila.
Base sa pinakahuling intelligence report na nakalap ng pulisya, tinututukan umano ngayon ng NPA ang mga government installations kasama ang iba pang istasyon ng pulisya na matatagpuan sa rehiyon bilang panibagong target nila.
Samantala, inamin naman ni PO4 Director Chief Supt. Dominador Reyes na mahalagang malaman ng pulisya kung saan at kailan susunod na sasalakay ang NPA upang maprotektahan ang kapakanan ng mga inosenteng sibilyan at hindi mawalan ng tiwala sa kanila ang publiko.
Lahat ng tauhan ng PRO 4 ay alerto na ngayon laban sa pinangangambahang pagsalakay na muli ng NPA guerillas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended