^

Probinsiya

3 Sayyaf todas sa encounter

-
ZAMBOANGA CITY – Tatlong miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang iniulat na nasawi habang pito pang bandido ang nagsisuko sa tropa ng militar matapos ang isang encounter sa Sitio Nangka, Barangay Batad, Talipao, Sulu, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Southern Command Deputy for Operations Col. Francisco Gudani ang mga nasawing bandido na sina Jainal Aplih, Aplih Suahali at Moner Munap.

Isa sa pitong nagsisuko ay kinilalang si Kumander Landasan Asanji, alyas Andas habang inaalam na ng militar ang anim na pangalan ng iba.

Ayon sa ulat ng militar, ang pito ay nagsisuko sa 2nd at 4th Scout Ranger Battalion na pinamumunuan nina Major Marcos at Davalan ng Phil. Army sa Brgy. Bondon, Patikul, Sulu.

Gayunman, sa kabila ng ipinatutupad na malawakang crackdown operations ng militar laban sa grupo ng Abu Sayyaf ay dumoble pa ang bilang ng mga ito sa kanilang mga balwarteng teritoryo sa Sulu at Basilan.

Ito ang inihayag ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for Military Affairs Al Hadj Murad sa isang radio interview kahapon base sa intelligence monitoring ng kanilang grupo laban sa puwersa ng Abu Sayyaf na target ng operasyon ng militar.

Ibinulgar ni Murad na ang nakolektang malaking ransom mula sa mga pinalayang hostage na dinukot sa Dos Palmas Beach Resort sa Palawan ang ginamit umano ng grupo ni Sayyaf Spokesman Abu Sabaya upang makapaghikayat ng mga bagong miyembro at makatulong sa kanila sa patuloy na pakikipaglaban sa militar. (Ulat nina Rose Tamayo at Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

APLIH SUAHALI

BARANGAY BATAD

DOS PALMAS BEACH RESORT

FRANCISCO GUDANI

JAINAL APLIH

JOY CANTOS

KUMANDER LANDASAN ASANJI

MAJOR MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with