Trader inambus ng NPA
July 29, 2001 | 12:00am
MASBATE CITY Isang negosyanteng lalaki ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang jeep sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Tugbo ng lungsod na ito, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Benjamin Sia, 50, may asawa ng Brgy. Nursery ng naturang lugar.
Samantala, ang mga suspek na sakay ng kulay itim na motorsiklo ay mabilis na humarurot sa hindi nabatid na direksyon matapos isagawa ang pananambang sa biktima.
Bandang alas-11:45 ng umaga ng itaon ng mga suspek ang pananambang habang ang biktima ay nag-iisang sakay ng kanyang jeep na pinaniniwalaang patuloy na tumatangging magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended