^

Probinsiya

34 MILF sumuko sa pamahalaan

-
Patuloy na umaani ang isinusulong na peace talks ng pamahalaan sa hanay ng mga separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang tatlumpu’t-apat (34) na kasapi ng mga rebelde ang sumuko sa pamahalaan sa Malundo, Lanao del Sur, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Jaime De los Santos, nabatid na nagdesisyong sumuko ang 34 rebeldeng MILF bunga ng matinding hirap at gutom na dinaranas sa kabundukan.

Ang mga ito ay sumuko kay Major Danilo Espero, Commanding Officer ng Army’s 58th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Dadu, Malundo ng nasabing lalawigan.

Ang pagsuko ng mga rebeldeng MILF ay bilang pagtalima sa isinagawang 2nd rounds ng peace talks sa pagitan ng GRP at MILF peace panels sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakalipas na Hulyo 24.

Sinabi ni De los Santos na ang mga surrenderees ay pawang miyembro ng Striking Force Brigade, 3rd Internal Security Force ng MILF sa ilalim ng pamumuno ni Commander Bario Langco.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang 60 MM mortal, sampung Rifle Powered Grenade (RPG) na pansamantalang ideneposito sa supply room ng nasabing batalyon ng militar para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

COMMANDER BARIO LANGCO

COMMANDING OFFICER

INFANTRY BATTALION

INTERNAL SECURITY FORCE

JAIME DE

JOY CANTOS

KUALA LUMPUR

MAJOR DANILO ESPERO

MALUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with