2 kanong bihag ng Abu namataan
July 18, 2001 | 12:00am
Namataan ng intelligence assets ng militar ang mag-asawang Amerikanong misyonaryo na tumatakbong kasama ang grupo ni Abu Sayyaf Spokesman Abu Sabaya sa bulubunduking hangganan ng dalawang bayan sa lalawigan ng Basilan.
Ito ang inihayag kahapon ni Armed Forces of the Phil. (AFP) Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan sa ikalimang araw ng "massive crackdown" na ipinag-utos ng palasyo ng Malacañang upang durugin ang mga bandidong Abu Sayyaf at dakpin maging ang supporters nito.
Base sa intelligence reports, sinabi ni Adan na nasa maayos na kondisyon ang mag-asawang sina Martin at Gracia Burnham ng American Tribe Missionary.
Ayon kay Adan, sina Martin at Gracia Burnham ay huling namataan sa bulubunduking hangganan ng bayan ng Tuburan at Lamitan.
Nabatid na bagaman nasa ligtas na kalagayan ang mag-asawang Burnham ay bakas sa mukha ng mga ito ang matinding pagkapagod.
Napag-alaman pa na bumagsak din umano ang kalusugan ng mag-asawang Burnham na kasama rin ng ilan pa sa mga hostages bagaman di natukoy kung sinu-sino ang mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
8 hours ago
Recommended