^

Probinsiya

Binata sinaksak dahil nakabunggo habang panay ang text

-
Dahil lamang sa kati-text ay malubhang nasugatan ang isang 17-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng nabunggo nitong matandang lalaki na umano’y wala sa normal na pag-iisip habang naglalakad sa Upper Calarin, Zamboanga City, kamakalawa.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Zamboanga Medical City bunga ng tinamong tama ng saksak sa tiyan ang biktimang si Rene Montorac, binata, estudyante at residente ng Upper Calarian sa nasabing lungsod.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Vicente Amante Hidocus, 68, matapos na mahimasmasan.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nabatid na abalang naglalakad pauwi ang biktima habang nagti-text sa isang kaibigan nang makasalubong nito ang suspek na umano’y wala sa sarili dakong alas-6:30 ng umaga sa compound ng 36th Infantry Battalion, Upper Calarian.

Nagulantang umano ang biktima nang bigla na lamang siyang undayan ng saksak sa sikmura. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

CAMP CRAME

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

RENE MONTORAC

UPPER CALARIAN

UPPER CALARIN

VICENTE AMANTE HIDOCUS

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA MEDICAL CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with