^

Probinsiya

Lola timbog sa drug bust

-
DASMARIÑAS, Cavite – Isang 57-anyos na lola na pinaniniwalaang nagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar ang naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng hapon sa Barangay Paliparan ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonie Alejandro at residente ng Blk 118 Lot 30, Phase 3 ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman na si Alejandro at anak nitong babae ay napapaulat na nagtutulak ng droga sa kanilang barangay kaya may isang linggo silang isinailalim sa pagtitiktik ng PNP Drug Enforcement Unit (DEU).

Sa inisyal na ulat ni PO3 Edgar Belza kay P/Chief Insp. John Bulalacao, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pulisya sa pamamagitan nang pagpapanggap ni PO3 Celestino San Jose na isang poseur buyer sa suspek.

Walang nagawa ang suspek nang maaktuhang nag-aabot ng droga kay San Jose partikular na ang mark money na nakumpiska rito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALEJANDRO

BARANGAY PALIPARAN

CAVITE

CELESTINO SAN JOSE

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EDGAR BELZA

JOHN BULALACAO

LEONIE ALEJANDRO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with