^

Probinsiya

Bahay ng ex-mayor niratrat ng NPA rebels

-
SORSOGON CITY — Pinaulanan ng bala ng malalakas na kalibre ng armas ng mga hindi kilalang kalalakihan ang bahay ng talunang alkalde nitong May 14 elections kahapon ng madaling araw sa Sitio Banao, Brgy. Salvacion Bacon District ng nasabing lungsod.

Nabatid sa ulat ng pulisya na pinagbabaril ang bahay ni dating Bacon Mayor Leovic Dioneda dakong alas-2 ng madaling-araw habang walang naiwang katiwala at pamilya ng nasabing dating alkalde.

Bago naging mayor si Dioneda ay naging sundalo ng Phil. Navy bago naging kasapi ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabayan (RAM) at may paniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang may kagagawan ng pangyayari.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pangyayari maliban sa milyong halaga ng ari-arian ang nawasak sanhi ng mga tama ng bala ng baril. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BACON MAYOR LEOVIC DIONEDA

BRGY

DIONEDA

ED CASULLA

NABATID

NEW PEOPLE

PINAULANAN

REBOLUSYUNARYONG ALYANSANG MAKABAYAN

SALVACION BACON DISTRICT

SITIO BANAO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with