2 aircon bus sinunog ng NPA rebels
July 7, 2001 | 12:00am
BATANGAS CITY Dalawang aircon bus na inuupahan ng isang kompanya ang iniulat na sinunog ng mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) dahil sa patuloy na pagtanggi ng may-ari na magbigay ng revolutionary tax sa naturang grupo kahapon ng umaga sa Brgy. Pinamucan, Ibaba ng naturang lalawigan.
Napag-alaman sa ulat ni Batangas Provincial Director P/Supt. Rolando Lorenzo na may 15 hanggang 20 armadong kalalakihan ang humarang sa dalawang bus na pag-aari ng JG Summit Petro Chemicals mula sa planta sa Brgy. Sinloc, Batangas City ang binuhusan ng gasolina bago silaban.
Ayon pa sa ulat na pinababa muna ang lahat ng pasahero ng dalawang aircon bus na may body number D-767 at 797 na minamaneho ni Irvin Perez, 26 at Edgar Perez, 21, bago ito sunugin.
Ipinagbigay alam din ng mga armadong rebelde sa mga nagsibabang empleado mula sa dalawang bus na hindi na nagbibigay ng buwis sa kanila ang may-ari ng naturang kompanya kaya isinagawa ang pangyayari. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended