^

Probinsiya

Trader dinedo bago ninakawan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang negosyanteng lalaki ang iniulat na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang lalaki habang natutulog sa sariling bahay kamakalawa ng tanghali sa Barangay Lapu-Lapu, San Jose, Batangas City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gregorio Dyogi, 85, may-ari ng Ringo Farm sa Batangas at residente ng nabanggit na lugar.

Inimbitahan naman ng mga tauhan ni P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr., PRO4 regional director ang tatlong katiwala na sina Ramil Revelisa, 29; Danny Blanca at Henry Tanglaw, 43 na pawang mga stay-in ng Ringo Farm.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen sa pagitan ng alas-12 hanggang ala-1 ng tanghali habang ang biktima ay naiwang nag-iisa sa bahay.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang killer ay nakapasok sa isang bintanang malapit sa kuwarto ng biktima bago isagawa ang krimen.

Nawawala naman ang mga mamahaling alahas, malaking halaga ng pera at dalawang shotgun na pag-aari ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng killer. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY LAPU-LAPU

BATANGAS CITY

CHIEF SUPT

DANNY BLANCA

DOMINGO REYES

ED AMOROSO

GREGORIO DYOGI

HENRY TANGLAW

RAMIL REVELISA

RINGO FARM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with