^

Probinsiya

Utol napatay ng kuya

-
PAGBILAO, Quezon – Aksidenteng nabaril at napatay ang isang 31-anyos na lalaki ng kanyang nakatatandang kapatid makaraang makalabit ng huli ang pinagyayabang na baril habang nag-iinuman ang dalawa sa Barangay Bantigue, kamakalawa ng madaling araw sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pedro Gutierrez, may asawa habang ang kapatid na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala namang si George Gutierrez, 41 na kapwa residente ng naturang barangay.

Sa inisyal na ulat ni C/Insp. Vilmor Manzano, hepe ng pulisya ng bayang ito na dakong ala-1:20 ng madaling araw naganap ang pangyayari dahil sa hindi sinasadyang makalabit ang gatilyo ng shotgun na ipinagyayabang sa biktima.

Nabatid pa na ang dalawang mag-utol kasama ang ilang kapitbahay na kalalakihan ay pawang mga lango na sa alak nang ilabas ng suspek ang kanyang shotgun bago inihagis paitaas hanggang sa mauwi sa naturang pangyayari. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AKSIDENTENG

BARANGAY BANTIGUE

GEORGE GUTIERREZ

KINILALA

NABATID

PEDRO GUTIERREZ

QUEZON

TONY SANDOVAL

ULAT

VILMOR MANZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with