P1.5 M tinangay ng Akyat-bahay gang
June 30, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Tinatayang aabot sa halagang P1.5 milyon ari-arian na cash at mamahaling alahas ang ninakaw ng isang grupo ng Akyat-Bahay Gang sa dalawang apartment na pag-aari ng isang dating pulis at isang trader na Hapones sa Barangay Bayan Luma 4 kamakalawa ng hapon ng bayang ito.
Ang mga biktimang nilooban ng mga hindi pa nakilalang kalalakihan ay sina Jose Marcelo Takashi, 30, binata at si dating P/Chief Insp. Ulysses Cruz na pawang nakatira sa Santarin apartment, Villa Amparo Subd. ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Supt. Alberto Capua, hepe ng pulisya ng bayang ito, sinamantala ng mga suspek na walang tao ang naturang apartment dakong alas-4 ng hapon.
Nabatid pa na ang mga suspek na pinaniniwalaang bihasa na sa pandarambong ay nagdaan pa sa harapan mismo ng pintuan ng naturang lugar bago limasin ang lahat ng mamahaling alahas at ari-arian ng mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended