^

Probinsiya

Bgy. Tanod dinukot bago pinatay

-
DASMARIÑAS, Cavite – Isang barangay tanod ng Malate, Maynila ang dinukot bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan ang natagpuan na itinapon sa Brgy. Salawag ng bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ay nakilalang si Romeo Robedo, 38, may asawa ng 1925 Mother Ignacio St., Malate, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-5:00 ng madaling araw na nakatali ang dalawang kamay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution.

May mga palatandaan na pinahirapan muna ang biktima bago dinedo ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan.

May teorya ang pulisya na may malaking atraso ang biktima sa mga suspek kaya tinuluyan ito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

EUML

ISANG

MAYNILA

MOTHER IGNACIO ST.

ROMEO ROBEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with