^

Probinsiya

Trader todas sa kapwa trader

-
SILANG, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang trader na lalaki ng kanyang karibal sa negosyong scrap dealing makaraang sulutin ng biktima ang nakuhang kontrata ng huli kahapon sa Barangay Tibig ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Rolando Bayona, 36, may-asawa, isang scrap dealer at residente ng nabanggit na brgy.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng follow-up team ng pulisya ay nakilalang si Reynaldo De Jesus, 49, may-asawa, isa ring scrap dealer ng naturang lugar.

Ayon sa pulisya, ang dalawang negosyante ay matagal ng magkaribal sa negosyo at dahil sa malimit na sulutin ng biktima ang nakukuhang scrap deal ng suspek ay pinagbabantaan na itong patayin.

Nabatid sa impormasyong nakalap ng pulisya sa ilang malapit na kaibigan ng dalawa na hindi na matagalan ng suspek ang ginagawang panunulot ng biktima sa kanyang negosyo kaya dakong ala-una ng hapon nang isagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY TIBIG

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

KINILALA

NABATID

PINAGBABARIL

REYNALDO DE JESUS

ROLANDO BAYONA

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with