^

Probinsiya

Barangay kagawad pinatay sa sayawan

-
San Francisco, Quezon – Dahil sa nairita sa estilo nang pagsasayaw, isang 46-anyos na brgy. kagawad ang binaril at napatay ng kanyang pinsang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Inabuan ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Eduardo Argao, may asawa ng Barangay Silongin habang ang pinsan namang suspek na kaagad nasakote ng mga nagrespondeng brgy. tanod ay nakilalang si Romeo Argao, 26 ng nasabi rin lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi nang magkasabay ding magsaway ang mag-pinsan at dahil sa hindi nakursunadahan ang estilo nang pagsasayaw ng suspek ay biglang sinuntok sa mukha ang biktima.

Nabatid na sa impormasyong nakalap ng pulisya sa ilang testigo, napahiya umano ang suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan hanggang sa magpangbuno ang mag-pinsan.

Nakuhang agawin ng suspek ang baril na nakasukbit sa baywang ng biktima bago pinaputukan ito. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY SILONGIN

BRGY

DAHIL

EDUARDO ARGAO

INABUAN

ROMEO ARGAO

SAN FRANCISCO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with