^

Probinsiya

Lalaki pinatay sa harap ng lover at anak

-
LUCENA CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa harap ng kanyang live-in partner at anak nito kahapon ng umaga sa Green Meadows Subd., Brgy. Ibabang Dupay ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng hindi mabatid na bilang ng tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Azer Zapanta, 42, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Reynaldo Belarmino at PO3 Benjamin Jabrica, pawang may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari dakong alas 5:15 ng madaling araw habang ang biktima ay naglalakad kasama ang live-in na si Rowena Mission at ang anak nitong si Eduardo papalabas ng kanilang bahay sa nasabing subdibisyon.

Ayon sa pulisya, isang hindi kilalang lalaki ang biglang lumapit mula sa likurang bahagi ng biktima bago sunud-sunod na pinaputukan ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman sinaktan ng hindi nakilalang armadong lalaki ang mag-ina bago tumakas ng masiguro na patay na ang biktima.

May teorya ang pulisya na paghihiganti ang motibo ng krimen dahil may impormasyong nakalap ang pulisya na hiwalay sa asawa si Zapanta. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

AZER ZAPANTA

BENJAMIN JABRICA

BRGY

EDUARDO

GREEN MEADOWS SUBD

IBABANG DUPAY

REYNALDO BELARMINO

ROWENA MISSION

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with