^

Probinsiya

Jailguard tinodas, 22 preso nakapuga

-
MILAGROS, Masbate – Dalawampu’t dalawang mga bilanggo ang tumakas sa kanilang selda matapos na todasin ng lider ng grupo ang isang jail guard habang ito ay kumakain ng kanyang hapunan sa loob ng Masbate Provincial Jail sa Barangay Matiporon sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing jail guard na si Rodolfo Gonzales, 48, may-asawa, nakatalaga sa Masbate Provincial Jail at residente ng Pob. West ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na lider ng grupo ng mga bilanggo ay sina Edgar Victoria Jr., 23, binata, at Anatacio Laurio, 25, may asawa, kapwa may kasong murder, habang ang 20 pang mga preso na kasama na tumakas ay bineberipika ang mga pangalan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay tumakas dakong alas-9:00 ng gabi matapos na patayin ang jail guard na kumakain ng kanyang hapunan.

Nabatid na ang guwardiya ay nag-iisa lamang ng mga oras na iyon ng maganap ang pagtakas ng mga preso.

Hindi pa mabatid kung papaano nakalabas sa selda ang mga preso na dumaan pa sa harapan na pintuan ng naturang bilangguan.

Nagpalabas na ng kautusan si Bicol Police Chief Roberto Delfin na magsagawa ng isang malawakang paghahanap sa mga bilanggo.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad upang mabatid kung papaano nakalabas sa kanilang selda ang mga bilanggo. (Ulat ni Ed Casulla)

ANATACIO LAURIO

BARANGAY MATIPORON

BICOL POLICE CHIEF ROBERTO DELFIN

DALAWAMPU

ED CASULLA

EDGAR VICTORIA JR.

ISANG

MASBATE PROVINCIAL JAIL

RODOLFO GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with