^

Probinsiya

38 bihag ng Sayyaf pinalaya na

-
Pinakawalan na ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang binihag na 38 sibilyan na lulan ng isang pampasaherong pumpboat na kanilang hinarang sa karagatan ng Tapiana Island, Sumisip, Basilan, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Gayunman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nanatili pa ring bihag ng mga bandido ang may-ari ng fuso pumpboat na kinilalang si Abdunasser Ho Salim at tatlong iba pa na kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan.

Sinabi ni Brig. Gen. Romeo Dominguez, Commander ng Joint Task Force Comet, ang mga pinakawalang biktima ay naglakbay pa ng apat hanggang limang oras mula sa karagatan ng Baellan patungo sa Brgy. Kamawi, Patah Island sa Sulu.

Ang mga suspek na pawang armado ng malalakas na kalibre ng baril ay lulan naman ng tatlong pumpboat na galing sa direksyon ng karagatan ng Brgy. Taberlongan, Maluso, Basilan.

Sa kasalukuyan, masusing sinisilip ng mga awtoridad na posibleng paghihiganti ang motibo ng pagdukot sa mga biktima.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga operatiba ng Army’s 103rd Infantry Brigade sa panibagong insidente ng kidnapping na kinasasangkutan ng naturang grupo ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDUNASSER HO SALIM

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

BRGY

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BRIGADE

JOINT TASK FORCE COMET

JOY CANTOS

PATAH ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with