Bading pinatay sa bilangan
May 19, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Isang 23-anyos na lalaki na hinihinalang bading ang napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ng isang adik na ex-convict habang ang biktima ay nanonood ng bilangan sa harap ng Imus Plaza kamakalawa ng gabi sa nasabing bayan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wilmer Mariano ng Brgy. Malagasang 2-A ng naturang bayan.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa PNP Imus Detention Cell ay nakilalang si Eduardo Tiolo, 27, binata ng Brgy. Toclong I ng nasabing lugar at bagong laya pa lang mula sa New Bilibid Prison sa kasong homicide.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 10:30 ng gabi habang ang biktima at ilang kasama ay naghinintay at nanonood ng resulta ng bilangan sa nabanggit na lugar.
May teorya ang pulisya na nairita ang suspek na lango sa ipinagbabawal na gamot nang mapagtripang saksakin ang biktima sa dibdib. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest