^

Probinsiya

Bading pinatay sa bilangan

-
IMUS, Cavite – Isang 23-anyos na lalaki na hinihinalang bading ang napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ng isang adik na ex-convict habang ang biktima ay nanonood ng bilangan sa harap ng Imus Plaza kamakalawa ng gabi sa nasabing bayan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wilmer Mariano ng Brgy. Malagasang 2-A ng naturang bayan.

Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa PNP Imus Detention Cell ay nakilalang si Eduardo Tiolo, 27, binata ng Brgy. Toclong I ng nasabing lugar at bagong laya pa lang mula sa New Bilibid Prison sa kasong homicide.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 10:30 ng gabi habang ang biktima at ilang kasama ay naghinintay at nanonood ng resulta ng bilangan sa nabanggit na lugar.

May teorya ang pulisya na nairita ang suspek na lango sa ipinagbabawal na gamot nang mapagtripang saksakin ang biktima sa dibdib. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CRISTINA GO-TIMBANG

EDUARDO TIOLO

IMUS DETENTION CELL

IMUS PLAZA

NEW BILIBID PRISON

TOCLONG I

WILMER MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with