2 lungsod kokontrolin ng Comelec dahil sa karahasan
May 1, 2001 | 12:00am
BACOLOD CITY Posibleng ipasailalim sa kontrol ng Commission on Election (Comelec) ang dalawang siyudad sa Negros island matapos ang naganap na pag-ambush sa Canlaon City sa Negros Oriental at sa pagkapaslang sa isang mataas na lider ng rebelde sa Escalante City, Negros Occidental noong nakalipas na Sabado ng gabi.
Kaugnay nito, inamin ng mga rebeldeng New Peoples Army Larangan Guerilla 3 ang responsibilidad sa ambush-slay ni Canlaon Vice-mayor Jose Cardenas at sa lima pa nitong supporters noong nakalipas na Biyernes.
Magugunitang pauwi na ang grupo ni Cardenas buhat sa isinagawang pangangampanya ng ambusin ng mga suspect.
Samantala, inamin naman ng local National Police leadership na dalawa sa kanilang pulis ang sangkot sa pagkapaslang kay RPA-ABB regional commander Danilo Dumdum, alyas Ka Abel sa may poblasyon sa Escalante City noong Sabado.
Si Dumdum ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril buhat kina PO2 Ricardo Quambot at SPO2 Angel Sinadian. (Ulat ni Antonieta Lopez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended