3 bata todas sa tigdas
April 30, 2001 | 12:00am
DAVAO CITY Ang naganap na tigdas outbreak noong Miyerkules sa isang malayong barangay ay kumitil pa ng tatlong bata na magkakamag-anak na dumagdag sa sampu pang unang namatay.
Ayon sa city health office, ang tatlong bata mula sa Bgy. Gumitan, Marilog District ay nakilalang sina Rosalina Uyao, 7; Comiray Uyao at Wating Uyao na kapwa 1 taon gulang.
Inulat ng pamilya ng mga nasawi na ang kanilang lugar ay may 15 oras ang gugugulin sa paglalakad bago makarating sa pagamutan na siyang dahilan kaya hindi nila agad mapakunsulta sa doktor ang mga biktima kaya namatay ang mga ito.
Ang tatlong batang nasawi ay kasama na sa 10 pang bata na unang namatay sa nasabing karamdaman na pawang residente rin ng nasabing barangay.
Subalit pinabulaanan ng health office na lima lang ang kumpirmadong nasawi na ayon naman sa mga residente ng barangay na labintatlo na ang namamatay. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended