1 pang mayoralty bet itinumba ng NPA rebels
April 22, 2001 | 12:00am
CAMALIG, Albay Isa na namang dating mayor na nakatakda muling kumandidato sa nasabing posisyon sa darating na eleksyon ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hinihinalang miyembro ng rebeldeng NPA habang nangangampanya sa Barangay Bariw sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang panibagong kandidatong nasawi na si Dr. Florencio Muñoz, na tumatakbong mayor sa ilalim ng LAKAS-NUCD at residente ng Poblacion ng naturang lugar.
Si Muñoz ay nasawi habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan at ulo.
Batay sa ulat ni Albay PNP provincial director Supt. Reynaldo Rafal na ang panibagong karahasan sa eleksyon ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi habang ang grupo ni Muñoz ay nagsasagawa ng rali sa naturang barangay.
Tatlong kabataang lalaki na tinatayang nasa gulang na 18-20 na armado ng kalibre .45 baril ang sumabay sa biktima at nang maka-tiyempo ay pinagbabaril ito sa katawan at ulo.
Si Muñoz ay isa sa mga pinakamatagal na nagsilbing alkalde sa naturang bayan simula pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang natapos ang term nito noong 1998.
Nang matapos ang term nito ang kanyang maybahay ang pinatakbo nito sa posisyon na nagwagi naman. Ang ginang nito na si Mayor Pat Muñoz ang kasalukuyang nakaupong mayor sa nasabing bayan.
Patuloy naman ang isinasagawa ng pulisya na isang masusing imbestigasyon ukol sa insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended