2 NPA rebels todas sa mga pulis
April 16, 2001 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Dalawang rebeldeng New Peoples Army ang napatay matapos ang isang oras na sagupaan laban sa mga miyembro ng pulisya sa Bgy. Butubut Este, Balaoan, kamakalawa.
Ang mga nasawi ay nakilalang si Gamonio Orine, 45, ng nasabing barangay at hindi pa nakikilalang kasama na ang edad ay nasa pagitan ng 30-35, may taas na 56" at nakasuot ng kamiseta at naka-short pants.
Nasamsam sa mga biktima ang kanilang mga armas na armalite,granada, 357 revolver at 65 basyo ng bala ng armalite.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente na may gumagalang anim na armadong kalalakihan sa nasabing barangay.
Kaya agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar subalit agad na pinaputukan sila ng mga rebelde.
Isang oras ang naging labanan ng dalawang panig hanggang sa tanghaling bangkay ang dalawang NPA habang ang apat nitong kasama ay mabilis na tumakas. (Ulat nina Jhay Mejias at Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest