^

Probinsiya

Buntis kinatay ni mister

-
CAVITE CITY – Isang 24-anyos na misis na pitong buwang buntis ang iniulat na kinarne ng kanyang mister matapos ang isang mainitang pagtatalo na naganap, kamakalawa ng gabi sa kanilang tahanan sa Barangay 36 ng lunsod na ito.

Natadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang misis na nakilalang si Rachel Tepano, ng nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Cuevas, may hawak ng kaso na dakong alas-7 ng gabi ng magtalo ang biktima at ang kanyang asawang si Edgar na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa kanilang mga kapitbahay narinig nila ang malakas na pagtatalo at pagsisigawan ng mag-asawa, ilang sandali pa ay nakapagtataka ang biglang pagtahimik ng mga ito. Inakala naman nila na tapos ang alitan.

Lingid sa kaalaman ng mga kapitbahay ay tinakpan ng unan ng suspect ang bibig ng kanyang asawa at saka pinagsasaksak hanggang sa mamatay.

Matapos ang ginawang krimen iniwan ng suspect ang bangkay ng kanyang asawa at saka ipinad-lock ang pinto ng bahay at saka tumakas.

Kinabukasan nagtaka ang mga kapitbahay kung bakit hindi lumalabas ang mag-asawa, hanggang sa isa sa mga ito ang sumilip sa pintuan at doon nakita ang nakahandusay na bangkay ni Rachel. Dahil sa dami ng saksak ay lumabas ang sanggol sa sinapupunan nito. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

ARNEL CUEVAS

AYON

BATAY

DAHIL

INAKALA

ISANG

KINABUKASAN

LINGID

MADING SARMIENTO

RACHEL TEPANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with