^

Probinsiya

3 katao todas sa ambush

-
MALOLOS, Bulacan – Tatlo katao ang iniulat na nasawi, kabilang dito ang isang magkapatid, samantalang isa naman ang nakaligtas makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin, habang ang mga ito ay lulan ng isang tricycle na bumabagtas sa Barangay Lugan sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Boy Cortez, driver ng tricycle; ang magkapatid na sina Gary, 33 at Manolito Mella, 27, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang kapatid nilang si Reynaldo na sinasabing nakaligtas sa naganap na pamamaril matapos na ito ay makatakas habang sila ay pinauulanan ng mga bala ng mga suspect.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Salvador Santos, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, nabatid na ang pamamaril sa mga biktima ay naganap dakong alas-11:30 ng gabi, habang ang mga biktima ay lulan ng naturang tricycle at binabagtas ang nabanggit na daan matapos na manggaling sa isang pagpupulong ng mga kandidato nang harangin sila ng mga suspect na armado ng mga baril at walang pakundangang pinagbabaril ang mga ito.

Kaagad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sina Cortez at Manolito, samantalang si Gary naman ay nasawi habang ginagamot sa pinagdalhang pagamutan.

Nakatakas naman si Reynaldo, gayunman hanggang sa ngayon ay hindi pa mabatid ang kinaroroonan nito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang mga suspect at alamin kung ano ang motibo ng mga ito sa isinagawang krimen.

Gayunman, may hinala ang pulisya na may kinalaman ito sa nalalapit na halalan sa Mayo. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY LUGAN

BOY CORTEZ

BULACAN

EFREN ALCANTARA

GAYUNMAN

MANOLITO MELLA

REYNALDO

SALVADOR SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with