^

Probinsiya

Mag-asawa nilooban: mister dedo, misis grabe

-
LUCENA CITY – Isang obrero ang iniulat na nasawi, habang nasa kritikal namang kalagayan ang kanyang misis matapos na sila ay pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na nanloob sa kanila, kamakalawa ng gabi sa Purok Happy Valley, Barangay Ibabang Dupay sa lunsod na ito.

Kinilala ni Supt. Federico Terte, hepe ng pulisya sa bayang ito ang nasawing mister na si Reynaldo Camitan, 33, samantalang nasa kritikal namang kondisyon sa Quezon Memorial Hospital ang kanyang misis na si Gina, 31.

Samantala, isa sa dalawang suspect ang nadakip ng mga awtoridad, ito ay nakilalang si Ferdinand Dialola.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi habang mahimbing na natutulog ang mag-asawa sa kanilang bahay nang pasukin ng dalawang suspect.
Aktong hinahalughog ng mga suspect ang aparador ng mga biktima, nang magising ang mag-asawa dahilan naman upang pagsasaksakin sila ng mga suspect na kanilang mga kapitbahay.

Matapos ang isinagawang krimen mabilis na tumakas ang mga suspect, subalit dahil na rin sa ilang saksi agad na nadakip ang isa sa mga suspect, habang pinaghahanap naman ang kasamahan nito.

May hinala ang pulisya na ang perang napanalunan sa sabong ng nasawi ang pakay ng mga suspect. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY IBABANG DUPAY

FEDERICO TERTE

FERDINAND DIALOLA

PUROK HAPPY VALLEY

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

REYNALDO CAMITAN

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with