^

Probinsiya

Joint military exercise nakatakdang simulan

-
Isang malaking "joint military exercise" sa bansa ang nakatakdang isagawa ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng bansang Estados Unidos at Thailand sa baybayin ng Zambales kung saan ang pinaglalabanang Scarborough Shoal ay matatagpuan.

Ang naturang "military exercise" ay pinamagatang "Maritime and Air Exercises-01" (Marsea-01) na isasagawa nang bansang Pilipinas, Estados Unidos at ng Thailand Armed Forces sa mga baybayin ng Zambales at ito ay bahagi pa rin ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa.

Ayon kay Visiting Forces Agreement Commission Spokesman Elmer Cato, mahigit sa 100 tropa mula sa US Navy, Royal Thai Navy at 50 mula sa Philippine Navy (PN) at ng Maritime Command ng Philippine National Police (PNP) ang magsasama-sama sa gagawing military exercises.

Sakay ang mahigit sa 100 US Navy troopers sa tatlong malaking C-130 military jets na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi via Clark International Airport sa Angeles City buhat sa kanilang military base sa bansang Japan, samantalang ang mga tropa ng Royal Navy ng Thailand ay nagmula naman sa kanilang kampo sa Phuket. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANGELES CITY

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

ESTADOS UNIDOS

JEFF TOMBADO

MARITIME AND AIR EXERCISES

MARITIME COMMAND

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINE NAVY

ROYAL NAVY

ROYAL THAI NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with