^

Probinsiya

P2-M pekeng sigarilyo nasabat

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Tinatayang aabot sa 2 milyong pisong halaga ng mga pekeng Marlboro cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng Angeles City Police (ACPO) sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa isang pampublikong pamilihan sa bayan ng Mabalacat, Pampanga, kamakalawa.

Ang mga nasamsam na mga pekeng sigarilyo ay sinasabing pag-aari nina Liza Alcantara, Allan Tan at Apolinario Lansang. Ang mga nabanggit ay mabilis na dinakip ng pulisya at kasalukuyang dinala sa Angeles City-PNP upang imbestigahan.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa naturang pagsalakay ang kabuuang 321 malalaking kahon na naglalaman ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P2 milyon. Ito ay nakatago sa isang bodega sa Mabalacat Public Market .

Ang isinagawang pagsakalay ay base na rin sa iniharap na sumbong ng tunay na tagagawa ng sigarilyong Marlboro at sa ipinalabas na search warrant ni Angeles City Regional Trial Court Branch 57 Judge Omar Viola. (Ulat ni Jeff Tombado)

ALLAN TAN

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE

ANGELES CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

APOLINARIO LANSANG

JEFF TOMBADO

JUDGE OMAR VIOLA

LIZA ALCANTARA

MABALACAT PUBLIC MARKET

MARLBORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with