^

Probinsiya

9 sugatan sa granada

-
COTABATO CITY – Siyam katao ang nasugatan kabilang na ang anim na grabe ang tama ng sharpnel sa katawan makaraang masabugan ng granada na inihagis ng isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels habang ang mga biktima ay naghuhuntahan sa harapan ng isang tindahan noong Linggo ng gabi sa Kabacan ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na ngayon ay nasa ospital ay sina Laparecio Mangasar, 55; Christina Mangasar, 50; Jocwelyn Cunanan, 40; Lito Ledesma, 56; Francia de la Peña, 10; Elfie Eleazar, 21; Dolor Dulay, 34; Chris Ibarra, 21; at Angelito Del Rosario, 42.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang hindi nakilalang lalaki ang naghagis ng granada sa bubungan ng tindahan bago bumagsak sa harapan ng mga biktima.

May mga nakasaksi na ang suspek ay naglakad lamang ng normal matapos na maisagawa ang krimen subalit walang nakakilala sa lalaki na pinaniniwalaang rebelde na naghahasik ng lagim sa naturang bayan.

May paniniwala ang Army’s intelligence community na responsable ang MILF rebels sa naganap na pagpapasabog.

Sinabi naman ni Kabacan Mayor Wilfredo Bataga, na ang nasabing bayan ay biktima na ng ika-14 na pagsabog ng granada ng mga rebelde magmula pa noong buwan ng Enero.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring sinisiyasat ang motibo nang naganap na pagsabog. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ANGELITO DEL ROSARIO

CHRIS IBARRA

CHRISTINA MANGASAR

DOLOR DULAY

ELFIE ELEAZAR

JOCWELYN CUNANAN

JOHN UNSON

KABACAN MAYOR WILFREDO BATAGA

LAPARECIO MANGASAR

LITO LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with