^

Probinsiya

'Manananggal', sumalakay sa Dasma, pamilya nabiktima

-
DASMARIÑAS, Cavite – Ibang pagroronda ang ginagawa ngayon ng mga residente ng bayang ito dahil sa umano’y pagsalakay ng mga "manananggal" sa kanilang mga tahanan tuwing hatinggabi.

Pitumpung katao na ang nabibiktima ng mga hindi pa kilalang mga suspek na kung tawagin ay "manananggal" ng kuntador.

Ang huling nabiktima ay ang bahay ng magkakapatid na Simera na sina David 41; Roderick, 39, Eleuterio, 37 at SPO2 Isagani, 42 na miyembro ng Dasmariñas, PNP. na pawang nakatira sa Sitio Piela, Bgy. Sampaloc.

Batay sa salaysay ng mga biktima sumasalakay ang naturang mga magnanakaw na kung tawagin ay ‘‘Kuntador Gang’’ habang sila ay nasa kasarapan ng tulog.

Madalas umanong kumakahol ang mga aso subalit hindi sila bumabangon para sumilip sa pag-aakalang may dumaraan lang na tao sa kanilang lugar.

Sa pangyayaring ito agad na pinaalerto ni Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga ang kapulisan maging ang mga baranggay tanod na magsagawa ng pagroronda sa kanilang lugar para matigil at mahuli ang mga magnanakaw ng kuntador. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BATAY

BGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

ELEUTERIO

KUNTADOR GANG

MAYOR PIDI BARZAGA

SITIO PIELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with