^

Probinsiya

Lupa ng ninuno ni GMA isinailalim sa CARP

-
Ipinailalim ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lupain ng kanyang mga ninuno sa Iligan City sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para mabigyang benepisyo ang mga mamamayang naninirahan sa naturang lugar.

Sa kanyang pakikipagpulong sa ibat-ibang sektor sa Dalipuga Resettlement Project sa Sitio Kalubihon, Barangay Dalipuga sa Iligan City, sinabi ng Pangulo na isang ektaryang lupain lang ang kailangan ng kanyang pamilya sa kinatatayuan ng tahanan ng kanyang mga ninuno.

Habang nasa Iligan City, ang Pangulo ay nagpunta sa Timog sa Linamon, Lanao del Norte para bisitahin ang kanyang ‘ancestral home’ na tinitirhan niya noong siya ay bata pa.

Sinabi ng Presidente na malaking bahagi ng mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay ang naganap noong siya ay nakatira sa kanyang ancestral house sa Timog na nasa pangangalaga ng kanyang lola sa ina na si Donya Irenea Macaraeg.

Nanawagan din ang Pangulo sa mamamayan ng Iligan City at sa buong Mindanao na pabilisin ang rehabilitasyon at pagpapaunlad sa rehiyon na napag-iwanan na ng panahon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BARANGAY DALIPUGA

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DALIPUGA RESETTLEMENT PROJECT

DONYA IRENEA MACARAEG

ILIGAN CITY

KANYANG

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SITIO KALUBIHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with