Ex-convict na bagong laya nilikida
March 4, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Napasama pa ang paglaya ng isang 38-anyos na preso mula sa pagkakakulong at ito pa ang nagdala sa kanya sa maagang kamatayan matapos itong matagpuang patay at may malalim na sugat sa dibdib, kahapon ng madaling araw sa Barangay Salitran 1, sa bayang ito.
Ang biktima na wala pa halos 24 oras na nakakalaya matapos na mag-piyansa sa kasong may kinalaman sa droga ay natagpuang nakahandusay sa nasabing lugar ay nakilalang si Eduardo Sarno, alyas Eddie,38, residente ng Anabu 2-C Imus, Cavite.
Samantalang hindi naman nakilala ang salarin na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Wency Tubay, may hawak ng kaso na dakong alas-5 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng biktima. Ito ay may malalim na sugat sa gitna ng dibdib at inaalam pa kung ito ay buhat sa baril o sa patalim.
Sinabi ni Mrs. Elvira Camerino, 45, kapatid ng nasawi na dakong alas-7 ng gabi ng magpaalam sa kanya ang biktima na pupunta umano sa kanilang magulang para dalawin ang mga ito dahil nga sa kalalabas pa lamang nito sa kulungan, subalit simula noon ay hindi nakauwi pa ang biktima hanggang sa matagpuan na ang bangkay nito.
Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa kaso nito sa drugs ang naganap na pagpaslang. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest